Ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala pa ang 172 na bagong confirmed cases ng COVID-19 ngayong araw, April 19.
Sa inilabas na case bulletin ng ahensya, lumalabas na pumalo na sa 6,259 ang total na bilang ng COVID-19 case sa buong bansa.
Nadagdagan din ang bilang ng mga namatay sa 12, na nagpaakyat sa numero ng death toll na ngayon 409 na.
Pero mas marami pa rin ang nai-report na gumaling dahil sa 572 na ang total recoveries, bunsod ng 56 na bagong nadagdag.
Inanunsyo naman ng DOH na pansamantalang naka-scale down ang operasyon ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City para sa ilang safety measures.
Kaya asahan daw na makaapekto ito sa reporting ng mga COVID-19 cases ng ahensya sa mga susunod araw.
Nilinaw ni Usec. Vergeire na hindi ibig sabihin na bahagyang limitado na operasyon ng RITM ay titigil na rin ito sa testing.