Nadagdagan pa ng 73 bagong kaso ang bilang ng mga nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas ayon sa bagong data ng Department of Health (DOH), kaya umakyat pa sa 380 ang total na numero ng positive cases.

Inanunsyo ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire ang impormasyon sa Laging Handa press briefing nitong umaga, kung saan binanggit din nito ang anim na bagong kaso ng namatay.

Dahil dito, 25 na ang total death toll mula sa COVID-19 cases, samantalang 17 na ang kabuuang numero ng mga gumaling.

Binanggit din ng opisyal na nasa mabuting kondisyon si Health Sec. Francisco Duque, na nag-negative sa pandemic virus.

Sa ngayon nananatili pa rin daw na naka-work from home ang kalihim.