-- Advertisements --

Inulat ng independet group na OCTA research na tumaas ng 71% ang 1 week growth rate ng COVID-19 cases sa National Capital Region.

Sa datos mula June 11 hanggang 17, umakyat sa 176 mula sa 103 ang 7 day average ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Nagpapakita ito ng 1.24 na average daily attack rate (ADAR) o ang incidence na nagpapakita sa average number ng bagong kaso sa bawat 100,000 populasyon sa loob ng isang period.

Nakitaan din ng pagtaas sa 1.80 ang reproduction number ng rehiyon o ang bilang ng nahawaan ng isang covid case.

Umakyat din sa 3.7% ang positivity rate sa NCR o ang porsyento ng mga indbidwal na nagpopistibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng nasuri.

Subalit, ayon sa OCTA sa kabila ng nakitang pagtaas sa ilang metrics sa NCR, nananatili namang mababa ang hospital utilization sa rehiyon na nasa 22% at nasa 17% naman ang ICU utilization rates.

Ang kasalukuyang datos aniya ay tugma sa kanilang projections at nakikita na mahinang surge lamang at walang escalation ng alert levels dahil inaasahan na mapapangasiwaan ng healthcare system ng bansa ang mababang bilang ng mga naoospital.