covid 19 06.07.2020

Pumalo na sa halos 7-milyon katao ang positibo sa coronavirus disease sa buong mundo kung saan 2-milyon sa mga ito ay nagmula sa Estados Unidos.

Malapit na ring umabot ng 400,000 ang kabuuang bilang ng mga taong namamatay dahil sa COVID-19.

Ang naturang bilang ng mga nasaw sa loob lamang ng limang buwan ay higit pa sa inaasahan ng mga eksperto dahil hanggang ngayon ay marami pa ring bansa ang nakararanas ng kakulangan sa test kits.

Unang naitala nooong Enero 10 ang kauna-unahang kaso ng coronavirus disease sa Wuhan, China ngunit noong buwan ng Abril lamang ito inilabas ng mga Chinese government matapos makapagtala ng 100,000 deaths.

Nangunguna naman ang Amerika sa mga bansang may pinakamataas na death toll kung saan umabot na ito ng 110,000.