-- Advertisements --

Inilagay na sa state of calamity ang lalawigan ng Cotabato na isa sa mga lubhang napinsala ng dalawang malalakas na lindol ngayong linggo.

Sinabi ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, ito na ang ikatlong deklarasyon ng state of calamity sa kanilang probinsya.

Ang unang dalawang deklarasyon ng state of calamity ay bunsod ng pinsalang dulot ng El Niño at outbreak ng dengue.

Dahil dito, maari nang magamit ng lalawigan ang emergency funds para gawing ayuda sa mga residenteng apektado at pagsasaayos sa mga nasirang imprastraktura.

Pero aniya, kailangang pa rin namang sumunod ng provincial government sa procurement process ng Commission on Audit (COA).

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 11 sa mga nasawi sa mga pagyanig sa Mindanao ngayong linggo ay buhat sa Cotabato.