-- Advertisements --

Pinagtibay ng Sandiganbayan ang conviction kina dating Cagayan de Oro Rep. Constantino G. Jaraula, negosyante na si Janet Lim Napolis, at tatlong iba pa.

May kaugnayan ito sa kasong graft at malversation dahil sa maling paggamit ng P28.8 million in Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong 2007.

Bukod kay Jaraula at Napoles, convicted din sa naturang mga kaso sina Resource Center Group Manager Ma. Rosalinda Masongsong Lacsamana, Legislative Liaison Officer and Sales at Promotion Officer V Belina A. Concepcion, at Mylene T. Encarnacion.

Hinatulan siya ng anim hanggang 10 taon na pagkakabilanggo sa bawat isa sa tatlong graft convictions at inatasan ding magbigay sa gobyerno ng P28.8 million.

Para sa malversation, pinatawan naman sila ng 12 hanggang 18 taon na pagkakakulong sa bawat isa sa tatlong bilang at pinagbabayad din ng P28.8 million.

Tanging si Jaraula naman ang hinatulang guilty sa kasong direct bribery kung saan apat na taon, dalawang buwan at isang araw; hanggang siyam na taon, apat na buwan at isang araw, ang kanyang sentensya.

Bukod dito, P6 million ang ipinataw na multa.