-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagkakahalaga ng halos Php300,000.00 ang nasunog na control battery room ng Isabela Museum and Library .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Troy Alexander Miano, sinabi niya nakarinig ang staff ng Isabela Museum and Library ng ilang pagputok mula sa kwarto kung saan nakalagay ang mga baterya at solar pannel bago may lumabas na usok.

Agad namang tinugunan ng mga kasapi ng BFP Ilagan ang naturang sunog.

Bago dumating ang mga bombero ay gumamit ng fire extinguisher ang mga staff upang maapula sana ang apoy subalit ng akyatin nila ang ikalawang palapag ay nakitang bahagyang lumaki na ang apoy sa loob ng control battery room.

Nilinaw naman ni Dr. Miano na nakahiwalay ang kwarto kung saan nakalagay ang mga baterya at hindi ito basta basta pinapasok ng tao.

Batay sa ulat sa BFP Ilagan tinatayang nasa Php300,000.00 ang kabuoang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog sa control battery room ngIsabela Museum and Library, na hinihinalang dulot ng sobrang init na panahon.

Wala namang nakitang anumang pinsala ang City Engineering Office matapos na suriin ang naturang gusali.