KALIBO, Aklan – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan sa bayan ng Kalibo, Aklan ang isang construction worker matapos na hampasin ng bara de kabra ng kaniyang katrabaho sa isla ng Boracay.

Kinilala ng Malay PNP ang biktimang si Rocky Bigbig, 40, residente ng Sitio Diniwid, Barangay Balabag sa nasabing isla habang ang suspek naman ay si Eliazar Orale, 27, at residente ng Agsilab, Sapian, Capiz.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahilan na kumuha ng bara de kabra ang suspek at hinampas sa ulo ng biktima na naging sanhi ng kaniyang agarang pagkamatay.

Kaagad namang naaresto ng mga awtoridad si Orale at nakakulong na ito ngayon sa Malay Police Station upang harapin ang kaukulang kaso.