-- Advertisements --

Pumanaw na ang co-creator ng computer mouse na si William English sa edad, 91.

Ayon sa asawa nitong si Roberta, hindi na nito nakayanan ang respiratory failure habang nasa isang pagamutan sa Calfornia.

Isinilang noong 1929 sa Kentucky at nag-aral ng electrical engineering bago sumali sa US Navy.

Taong 1963 ng unang ginawa niya ang mouse kasama si Doug Engelbart na unang gamit para sa pagkuwenta.

Siya ang unang tao na gumamit ng prototype mouse na gawa ni Engelbart base sa research project sa Standford Research Institute.

Sa unang bersiyon ay gawa sa kahoy na mayroong isang button at sa ilalim nito ay dalawang gulong sa 90 degrees at kayang magrecord ng vertical at sideway movement.