-- Advertisements --

garden1

Sa gitna ng kontrobersya sa pagkansela ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan na nagbabawal sa mga pulis at sundalo sa loob ng University of the Philippines (UP), pinasok ng mga tropa ng 7th Civil Relations Group (7CRG) ng AFP ang UP diliman campus kahapon ng umaga.

Ayon kay Maj. Celeste Frank Sayson, ang Commander ng 7th CRG, layon lamang nila na bisitahin ang “community gardens” na itinayo nila sa UP sa tulong ng UP community na bahagi ng proyektong “Raise To 1 Million Gardens in the NCR”.


Ayon kay Sayson, sinimulan nila ang proyekto para makatulong sa mga nawalan ng hanapbuhay at makatiyak sa supply ng pagkain sa Metro Manila sa gitna ng pandemya, sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay sa mga bakanteng lupain sa kalunsuran.

garden4

Sa ngayon aniya ay nasa anim na community gardens sa loob ng UP Campus ang kanilang minamantini.

Binigyang-diin din ni Sayson na sa panahon ng pandemya ay labas pasok sila UP na naka-uniporme gamit ang mga sasakyan ng militar para maghatid ng pagkain at relief goods sa mga nanangailangan sa Bgy UP Campus bilang bahagi ng kanilang “kapwa ko sagot ko project”.

Sa pamamagitan naman aniya ng proyekto na ito ay nakapaghatid ang militar ng reliëf goods at humanitarian services sa mga residente ng Bgy UP Campus na kabilang sa 436,140 households sa NCR na nakatanggap ng ayuda mula sa militar.