-- Advertisements --

Sinimulan na raw ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang motu proprio investigation sa insidenteng naging daan para sa i-hostage si dating Senator Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame.

Kasama rin sa mga iniimbestigahan ang pagkamatay ng tatlong persons under police custody (PUPCs) na mga hostage-takers na sinubukang tumakas sa Camp Crame.

Sa isang statement, sinabi ng CHR na nagpadala na sila ng kanilang quick response operation mula sa kanilang opisina sa National Capital Region para sa isang motu proprio investigation.

Ito ay para malaman kung sino ang mga posibleng managot sa insidente.

Una rito, nabahala ang komisyon sa sinapit ng dating senadora na naging chairperson ng CHR mula 2008 hanggang 2010.