-- Advertisements --
statement garcia

Maglalabas ang commission on elections (Comelec) ng bagong calendar of activities bilang pagsunod sa bagong petsa sa gaganaping barangay at sangguniang kaabataan elections (BSKE).

Una na ngang pormal na pinirmahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapaliban sa December 2022 barangay at sangguniang kaabataan elections patungo sa October 2023.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia susunod sila sa batas kaya naman kanilang ipagpapatuloy ang voter’s registration para mas marami pa ang makibahagi sa halalan.

Liban nito, magsasagawa rin sila ng pagrepaso sa mga procurement na gagamitin sa halalan.

Una nang sinimulan ng Comelec ang pagpapaimprinta ng mga balota na maari pa rin namang magamit para sa susunod na taon.

Batay nga sa nilagdaang Republic Act No. 11935, ang 2022 BSKE ay gagawin na lamang sa huling Lunes ng October 2023.

Pagkatapos nito isusunod ang halalan muli sa barangay at sangguniang kabataan kada tatlong taon na.

Nakapaloob din sa bagong batas na ang term of office ng mga mahalal na mga barangay at SK officials ay magsisimula sa Nov. 30 matapos ang eleksiyon.

Kung maalala una nang pinagtibay ng Senado at ng Kamara ang consolidated version ng House Bill No. 4673 at Senate Bill No. 1306 noong Sept. 28, 2022 sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo, tulad ng Namfrel at iba pa.