-- Advertisements --
Wala pa umanong aasahang commercial COVID-19 vaccines sa mga botika hanggang sa mga susunod na buwan.
Ito ang sinabi ni Dr. Ted Herbosa, kasunod ng pagnanais ng marami na makakuha na ng booster vaccine, kahit personal na lamang itong bilhin.
Paliwanag ni Herbosa, baka sa Hulyo 2022 pa matapos ang third phase ng clinical trial ng bakuna sa ating bansa, at saka lamang ito papayagang maiproseso para maging available sa publiko.
Kaya kung titingnan aniya ang mga ganitong konsiderasyon, baka sa huling quarter na ng susunod na taon mabigyan ng final approval ng health autorities ng ating bansa.