Comelec voters list
Comelec voters list

Kinontra ng Commission on Elections (Comelec) ang ulat na may mga balotang namarkahan na bago pa ang araw ng halalan sa May 13.

Ayon kay Comelec executive director Jose Tolentino, walang katotohanan ang kumakalat na video online na may mga balotang pre-shaded na, gayundin na hindi naman official ballot ang nakita sa naturang video.

Paliwanag ni Tolentino parte ng security features ng balota ang ultraviolet marks, pero hindi umano makikita sa mismong bilog na mamarkahan ng mga botante.

“So we tested. Eh hindi naman binabasa ng VCM (vote-counting machine) yon. The VCM actually looks for a black ink. Yung talagang ink, hindi invisible,” ani Tolentino.

Tiniyak ng opisyal na sakaling may maiulat na UV marks sa mga bilog ng balota ay hindi ito babasahin ng vote counting machines.

Ani Tolentino, malinaw na scripted ang video dahil wala ang QR code sa balotang ginamit ng nag-upload nito.

“If the UV marks of the Comelec and the NPO (National Printing Office) are not found on the ballot, then VCM will reject it. And the UV marks also have specific composition, yung ink. So if you use a different composition, hindi rin. If you attempt to fake a ballot, madi-detect din ng VCM yon.”