ILOILO CITY – Pinawi ng Commission on Elections (Comelec) ang pangamba ng publiko na may mangyayaring dayaan sa 2022 national and local elections.
Ito ay matapos inaprubahan ng Comelec en banc ang Notice of Award sa F2 Logistics upang mag-deliver ng election supplies sa susunod na halalan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon, sinabi nito na hindi nila maaaring ipawalang bisa ang kontrata sa logistics firm sa kabila ng kaugnayan nito sa Davao businessman na si Dennis Uy.
Ayon kay Guanzon, hindi sapat na dahilan sa pag-disqualify sa P1.61-billion contract sa dahilan na major campaign contributor si Uy ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukas naman anya ang Comelec sa mga election watchdog na magbantay sa pagdeliver ng election paraphernalia.