-- Advertisements --

Itinaas na ng Department of Health ang code white alert kasunod ng pag-landfall ng bagyong Paolo sa Isabela ngayong Biyernes, Oktubre 3.

Sa ilalim ng Code White Alert, nakahanda na ang mga gamot, medical equipment at health emergency response teams ng DOH Operations Center para sa mga rehiyon na tinatayang maapektuhan ng bagyo.

Nakaantabay na rin aniya ang National Emergency Hotline 911 at local emergency hotlines para sa mga mangangailangan ng agarang tulong.

Ayon sa ahensiya, mula noong Oktubre 1 itinaas na ng DOH ang Code White Alert dahil sa inaasahan ngang pagtama ng bagyo.