CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinaggiitan ni Health Secretary Francisco Duque na walang nangyari na news blackout kaugnay sa huli na anunsyo nila sa kompirmadong kaso ng COVID-19 delta variant na tumama sa ilang residente sa bansa.
Ito ang paglilinaw ng kalihim kung bakit umabot pa sa buwan ng Hulyo ang pagsapubliko nila ukol sa delta variant na kung tutuusin ay sa mga nakaraang linggo pa ng Hunyo 2021 nakapasok ang mutation sa bansa.
Tugon ito ni Duque sa pagbigay alam ng Philippine Genome Center na ilang sa mga ini-eksamin nila na data ng mga pasyente ng COVID-19 ay mutation na ng Delta variant na nagmula sa bansang India o kaya’y Indonesia.
Ginawa ito ni Duque na paglilinaw kaugnay sa pagbisita ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team na kinabilangan ni Philippine Vaccine Czar Secretary Galvez Galvez Jr,Defense Secretary Delfin Lorenzana at DILG Secretary Eduardo Año sa Cagayan de Oro City dahil sa limang kaso ng delta variant at isa sa Gingoog City na lahat sakop sa Northern Mindanao kaninang umaga.
Kaugnay nito,ipinag-utos na rin ng kalihim sa lahat ng local government units partikular kina City Mayor Oscar Moreno at City Mayor Eric Cañosa ng Gingoog na magsagawa ng inventory sa on-hand oxygen supplies bilang paghahanda sa posibleng worse case scenario dahil sa pandemya.
Samantala,isinagawa naman ng CODE team ang re-calibration ng vaccine supplies para sa Northern Mindanao.
Sinabi ni Galvez na magiging prayoridad nila ang pagbigay bakuna sa Cagayan de Oro City at Gingoog City simula nitong buwan hanggang sa Setyembre ning taon.
Katunayan,inihayag ng kalihim na malaking doses ng bakuna na Johnson & Johnson ay ilalaan nila para sa mga residente sa dalawang syudad dito sa Northern Mindanao.