-- Advertisements --
Tinanggap na ng Barangay Ginebra lead tactician Tim Cone ang alok ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maging bagong head coach ng Gilas Pilipinas kapalit ni dating coach Yeng Guiao.
Ayon kay SBP President Al Panlilio, si Cone ang magiging head coach ng Gilas Pilipinas sa nalalapit na 2019 Southeast Asian Games.
Si Coach Tim Cone ay naging top bet din para maging coach ng Gilas.
Una na ring inihayag ni Cone na ok sa kanya na maging coach ng Gilas Pilipinas na puspusan na rin ang paghahanda para sa SEA Games sa magsisimula sa Nobyembre hanggang Disyembre sa iba’t ibang venue dito sa Pilipinas.