Tiniyak ng kilalang mixed martial arts coach John Kavanagh na matutuloy ang harapan ng kaniyang alagang si Conor McGregor at Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Sinabi nito na kontrata na lamang ang kulang dahil nagkaroon na ng inisyal na pag-uusap and dalawang kampo.

May mga ilang detalye pang pinaplantsa ang dalawang kampo.

Nauna ng inanunsiyo ng dalawang kampo ang paghaharap nila sa 2021.

Magugunitang sa buong career ng nasabing Irish fighter ay minsan lamang itong lumaban sa boxing at ito ay noong 2017 ng talunin siya ni Floyd Mayweather.