CLARK2
Clark airport/ FB post

Magsususpendi ang mga airline companies ng kanilang commercial flights sa Clark International Airports simula Abril 3 dahil sa ipinatupad na travel restirctions na ipinatupad sa bansa para masawata ang pagkalat ng coronavirus.

Ayon sa inilabas na pahayag na maibabalik ang normal na operasyon kapag naging normal na ang lahat.

Maging ang operasyon ng P2P bus patungo at pabalik sa Clark ay suspendido na rin.

Hinikayat din nila ang pasahero na naapektuhan na makipag-ugnayan ang mga ito sa kani-kanilang mga airline companies.