Natuloy na rin ang pagpapakasal ni PBA point guard CJ Perez sa kaniyang long-time partner na si Sienna Catacutan.

https://www.instagram.com/p/CA_rfqZDnCO/

Ito ay matapos ang mahigit na dalawang buwan na pagkaantala dahil sa coronavirus pandemic.

Sa kaniyang Instagram post makikita na nakasuot na ang dalawa ng kanilang wedding ring matapos ang civil wedding.

Dahil dito ay inulan ito ng pagbati mula sa kapwa PBA players gaya nina Marc Pingris, Paul Lee, Ray Parks at maraming iba pa.

Noong Marso sana itinakda ang kasal ng dalawa subalit dahi sa coronavirus pandemic ay ipinagpaliban ito.