Sinimulan na rin ng Commission on Human Rights ang kanilang sariling imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa isang radio anchor sa Misamis Occidental.
Ang biktima ay kinilalang si Juan Jumalon o mas kilala bilang ‘DJ Johnny Walker.
Ayon sa komisyon, inilunsad na ng kanilang opisina sa Northern Mindanao ang Quick Response Operation para sa motu propio investigation sa naturang krimen.
Paliwanag ng CHR, target nilang matukoy sa imbestigasyon ang may kinalaman ang trabaho ng biktima sa motibo ng pagpaslang.
Tutukan rin aniya ng kanilang komisyon ang posibleng rekomendasyon upang manigayn ng proteksyon ang karapatan kaligtasan ng mga mamamahayag sa Pilipinas.
Samantala, nagpahayag rin ng pagkondena ang CHR sa insidente at nanawagan ng hustisya para sa biktima at upang mapanagot ang sinumang nasa likod ng krimen.
Giit pa nito, nakakaalarma ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga mamamahayag na napapaslang sa bansa at nagiging biktima ng karahasan.