Binigyang halaga ng Commission Human Rights (CHR) na dapat magkaroon ng sapat na pagsasanay ang lahat ng mga poll workers tuwing halalan lalo na ang mabilis na pagpapakalat ng tamang impormasyon.
Nakarating din sa opisina ng CHR na pinagbawalan ng mga nakatalagang guro sa halalan ang ilang mga mamamahayag na mag-cover.
Giit ng CHR na lahat ng mga election authorities, law enforcement agencies at local officials na ang kanilang trabaho ay irespeto at protektahan ang karapatan ng mga mamamahayag at media personnel.
Malinaw din aniya ang naging pakikipag-ugnayan nila sa COMELEC ukol sa media access sa lahat ng mga polling precints sa bahsa.
Inirekomenda ng CHR na dapat lahat ng mga election personnel at law enforcement officers ay dapat sumailalim sa orientation ng karapatan ng mga mamamahayag kabilang na ang mga kasalukuyang batas ng press freedom, non-obstruction ng news coverage.