-- Advertisements --
Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa naging direktiba ni Police Major General Nicolas Torre III ang bagong Philippine National Police chief, sa mga kapulisan nito na paramihan ng mga maaarestong sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay CHR commissioner Beda Epres na dapat ang pag-aresto ay base dumaan sa tamang proseso at hindi paramihan.
Dagdag pa nito na hindi dapat sukatan ang paramihan at dapat ay kung ang mga naaresto ay dumaan sa tamang proseso.
Maguguntang sinabi ni Torre sa kaniyang mga kapulisan na ibabase niya ang metrics sa paghuli sa pamamagitan ng paramihan ng huli.