-- Advertisements --
Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. x Huang Xilian

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa pagbisita nito sa kaniyang tanggapan.

Sa naturang pagpupulong, kabilang sa mga tinalakay ng mga opisyal ay ang pagpapaigting pa sa defense relations ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng existing bilateral mechanisms, at dialouge platforms, tulad ng Philippines-China Annual Defense and Security Talks.

Dito ay binigyang-diin din Defense Seretary Teodoro ang pangangailangan ng sustainably develop institutions gamit ang bottom-up approach na susundan naman ng implementasyon ng mga “existing mechanisms”.

Samantala, bukod dito ay pinuri naman ng kalihim ang bisyong pagiging malakas ng China na nais niyang maipatupad sa Armed Forces of the Philippines kung saan mas hinahangad nitong mapalakas pa ang kapabilidad nito para sa pagtataguyod ng Regional stability at resiliency laban sa mga external threats.

Kasabay nito ay iginiit niya na ang defense capability building efforts ng Pilipinas ay palaging nakasalig sa pambansang interes ng bansa.

Kung maaalala, mula pa noong taong 2006 ay tumatanggap na ng military aid gratis ang Pilipinas mula sa China kung saan nakatulong din sa humanitarian assistance and disaster relief effort at counter-terrorism efforts ng Pilipinas ang mga kagamitang ibinigay nito.

Matatandaang nakatanggap din si dating SND Delfin N. Lorenzana ng unang batch ng military equipment, bilang bahagi ng 2019 military aid gratis agreement, mula sa China noong 2022.