-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang pinakabagong offshore patrol vessel ng Philippine Navy, ang future BRP Rajah Lakandula.

Sa isang statement ngayong Sabado, Mayo 9, sinabi ng Philippine Navy na isinagawa ang arrival ceremony ng barko sa Naval Operating Base-Subic nitong Mayo 8.

Ang BRP Lakandula ay ginawa ng HD Hyundai Heavy Industries sa Ulsan, South Korea at dumating sa bansa noong Mayo 4 bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng Philippine Navy.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Philippine Navy Vice Admiral Caesar Bernard Valencia na sumisimbolo ang barko sa katatagan at tapang ni Rajah Lakandula, ang dating pinuno ng Tondo noong pre-colonial period.

Dagdag pa ng Philippine Navy, makatutulong ang bagong barko sa pagpapalakas ng maritime security operations at pagpapanatili ng matatag na presensya ng hukbong dagat sa territorial sea ng bansa.