-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng veteran aktres na si Lorna Tolentino ang pagiging Philippine Navy Reservist nito.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan habang nakasuot ng uniporme ng Philippine Navy.

Makikita sa mga larawan ang graduation nitong Agosto 7 sa lungsod ng Taguig.

Kasama niya ang anak nitong si Rap Fernandez at ilang mga mahal sa buhay.

May caption ito na ang disiplina ay pinipili kahit ito ay mahirap.

Ilan sa mga hamon nito ay ang pagsasanay sa Cavite kung saan sumakit ang katawan niya sa pagsakay sa isang bangka.

Bumuhos naman ng pagbati mula sa mga kasamahan sa showbiz at ilang mga malalapit na kaibigan.

Ilan sa mga showbiz personalities na Philippine Navy Reservist ay sina Christopher De Leon, Dingdong Dantes, Roco Naccino, Winwyn Marquez, Carlos Yulo at iba pa.