-- Advertisements --

Iginiit nina House Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor at House Senior Deputy Minority Leader Leila de Lima na walang ibang opsyon ang Senado kundi mag-convene bilang impeachment court kapag naipadala na ng Kamara ang articles of impeachment laban kay VP Sara Duterte.

Ito’y matapos banggitin ni Sen Panfilo Lacson ang posibilidad na magkaroon ng pagtutol mula sa minority bloc ng Senado sa pag-convene ng impeachment court.

Ayon kay De Lima, malinaw umano sa Konstitusyon na “shall” o obligadong gawin ng Senado ang pag-convene sa oras na maumpisahan ang impeachment process. Giit niya, hindi ito opsyonal at posibleng maituring na paglabag sa Konstitusyon kung hindi ito susundin.

Sinabi naman ni Defensor na wala umanong anumang kondisyon sa Saligang Batas bago makapag-convene ang Senado para sa impeachment trial. Aniya, tungkulin ng Senado na ituloy agad ang proseso sa oras na maipasa ng Kamara ang articles of impeachment.

Inaasahang tatalakayin ng Kamara sa Lunes ang committee report at articles of impeachment laban kay VP Duterte. Kailangan ng hindi bababa sa 106 boto o isang-katlo ng mga miyembro ng House of Representatives upang maipadala ang kaso sa Senado para sa paglilitis. (report by Bombo Jai)