-- Advertisements --
Nagmatigas ang China na hindi nila tatanggalin ang mga barko nila sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.
Ito ay kahit na naghain na ang Pilipinas ng diplomatic protest at ganun din ang panawagan ni Department of Defense Delfin Lorenzana na umalis na sila sa lugar dahil sa ito ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ipinaggigiitan ng Chinese Embassy sa Manila ang lugar ay bahagi ng Nansha Qundao na isa sa dalawang political district ng South China Sea.
Nandoon lamang ang mga barko dahil sa sama ng panahon.
Magugunitang ibinunyag ng Philippine Coastguard na ang mahigit 200 mga barko ay kinokontrol ng Chinese militia personnel.