Nagbabala ang Ministro ng Depensa ng China hinggil sa umano’y “limitasyon” sa pagpigil ng Beijing sa West Philippine Sea, kasunod ng serye ng mga paghaharap sa pagitan ng mga sasakyang pandagat ng China at Pilipinas malapit sa pinag-aagawang bahura.
Ang mga sasakyang pandagat ng China Coast Guard ay gumamit ng water cannon laban sa mga bangka ng Pilipinas nang maraming beses sa pinagtatalunang karagatan, na halos lahat ay inaangkin ng Beijing.
May mga banggaan din na naitala na ikinasugat ng ilang tropang Pilipino.
Samantala, mulig inihayag ni United States Defense Secretary Lloyd Austin III na ang pangako ng Amerika na mapanatili bukas at librea ang buong West Philippine Sea.
Hindi man binanggit ni Austin ang China, subalit kaniyang inihayag na ang patuloy na pangha harass sa Pilipinas isang napaka delikadong aksiyon.
Dagdad pa ni Austin na ang US sa kasalukuyan ay ”gumagamit ng bagong teknolohiya at pagsasanay upang itaguyod ang kalayaan sa paglalayag sa West Philippine Sea.
“Now, sustaining this progress will take teamwork. It will take resolve. And it will take leadership—the kind of leadership that we’ve seen from President Marcos, who spoke so powerfully last night about how the Philippines is standing up for its sovereign rights under international law,” pahayag ni Austin.