-- Advertisements --

Binatikos ng China ang foreign minister ng Germany matapos na tawaging ‘diktador’ si Chinese President Xi Jinping.

Isinagawa ni German Foreign Minister Annalena Baerbock ang nasabing pahayag ng makapanayam ito noong bumisita siya sa US noong nakaraang linggo.

Sa nasabing pahayag kasi ay ikinonekta ni Baerbock ang Chinese President sa nagaganap na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Dahil dito ay pinatawag ng Chinese government ang Germany ambassador to China na si Patricia Flor.

Sinabi ng Foreign Ministry ng China na lubos silang nadismaya sa pahayag na ito ni Baerbock.

Magugunitang noong Hunyo ay tinawag ni US President Joe Biden ang Chinese President bilang diktador.