-- Advertisements --

Ipinagbawal ng China ang pagbebenta ng mga karne ng baka na nanggaling sa United Kingdom dahil sa bovine spongiform encephalopathy (BSE) o mad cow disease.

Noong nakaraang buwan kasi ay tumaas ang kaso ng mad cow disease sa UK.

Ayon as General Administration of Customs ng China na naging epektibo ang pagbabawal mula Setyembre 29.

Noong 2018 ay tinapos na ng China ang dalawang dekadang pagbabawal na pagbenta ng karne ng baka na galing sa UK.