Mariing itinanggi ng China na mayroon itong “sleeper cells” sa Pilipinas.
Ito ang binigyang-diin ng naturang bansa kasunod ng mga ulat kaugnay sa umano’y mga Chinese firm na nagdi-disguise bilang American o European companies na nagre-recruit umano ng mga dati at aktibong mga Pilipinong sundalo sa pamamagitan ng social media.
Sa isang statement sinabi ni Chinese Embassy in the Philippines Spokesperson Ji Linpeng na walang iba kundi “fabrication” lamang ang umano’y mga “sleeper cells” ng China sa Pilipinas.
Kasabay nito ay tila nag-akusado pa ang naturang Chinese official na tila pinanghihimasukan pa raw ang internal affairs ng kanilang bansa.
Kaugnay nito ay tinawag din niyang “malicious speculation at groundless accusation” laban sa China ang umano’y issue sa umano’y Sinophobic sentiments sa Pilipinas.
Dahil dito umapela naman ang Chinese official sa mga relevant parties sa Pilipinas na tutukan ang trend na ito, pakinggan ang tinig ng taumbayan ng parehong bansa, at tigilan na ang umano’y pagpapakalat ng false narratives at anti-China sentiments.