-- Advertisements --

Dumipensa ang Chinese foreign misnistry sa panibagong kontrobersyang kinasangkutan ng isang barko nila na nagsagawa ng close distance maneuvering sa Philippine Coast Guard (PCG) vessel sa bisinidad ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea noong unang linggo ng Marso ng taong ito.

Ayon sa China ang naturang parte ng karagatan ay bahagi raw ng kanilang teritoryo.

Umasa raw ang China na igagalang ng Pilipinas ang kanilang soberenya, karapatan at interes sa ilalim ng domestic at international law lalo na ang bahagi raw ng Scarborough Shaol.

Ang naturang pahayag ay ginawa ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin sa isang press conference bilang sagot sa ulat na inilabas ng PCG.

“Huangyan Dao (Panatag Shoal) is China’s inherent territory. China has sovereignty over Huangyan Dao and its adjacent waters as well as sovereign rights and jurisdiction over relevant waters,” ani Wang. “We hope that the Philippine ships will earnestly respect China’s sovereignty and rights and interests, abide by China’s domestic law and international law, and avoid interfering with the patrol and law enforcement of the China Coast Guard in the above-mentioned waters.”

Una nang kinondena ng Phil. Coast Guard ang ginawa ng Chinese vessel na panibagong pambu-bully.

Anila, napakadelikado raw nito dahil sa sobrang lapit nang pag-manuever ay pwedeng humantong sa banggaan ng dalawang barko.