Tatlong linggo bago ang opening ng Winter Games, hanggang ngayon hindi pa rin binubuksan ng gobyerno ng China ang pagbebenta ng tickets.
Una nang napaulat na mga residente lamang ng mainland sa China ang papayagang manood.
Pero mahigpit na ipinagbabawal ang pagsisigaw o cheer at ang pupuwede lamang ay pagpalakpak.
Nangako naman ang China na walang magaganap na lockdown kahit dumarami rin ang dinadapuan ng Omicron variant ng COVID-19 sa kalapit na siyudad tulad ng Tianjin.
Determinado raw ang organizers ng Winter Games sa pagsasagawa ng “green, safe and simple” Games.
Sinasabing nasa 20 milyong residente naman ang pinigilan na manatili muna sa kanilang mga tahanan na nasa limang siyudad na nakapaligid sa Beijing na siyang sentro ng mga gagawing laro.