-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pinangunahan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 at mga kasapi ng Solano Police Station ang pag-aresto sa isang Chief Tanod sa isinagawang drug buybust operation Barangay Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Ang inaresto ay si Chief Tanod Marco Paulo Angeles, 43 anyos, Binata, residente ng Poblacion North, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Ferdinand Laudencia, hepe ng Solano Police Station na sa pakikipagtulungan ng Phil. Drug Enforcement Unit, Municipal Ddrug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Solano Police Station sa pangunguna ng PDEA Region 2, isinagawa ang nasabing operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ni Angeles.

Nahuli sa aktong nagtutulak ng isang Sachet ng hinihinalang Shabu ang suspek sa isang PDEA Agent na nagpanggap bilang poseur buyer katumbas ng P/1,000.00 .

Nang kapkapan ang suspek ay nakuha pa sa kanyang pag-iingat ang tatlo pang Sachet ng hinihinalang shabu, isang candy can container, isang keypad cellphone at motorosiklo na hinihinalang ginagamit ng suspek sa iligal na transaksyon nito.

Napag-alaman na kabilang si Angeles sa PNP-PDEA Priority target list ng mga awtoridad at napag-alamang minsan nang naging Drug Surrenderee sa ilalim ng Oplan Tokhang.