IMG 01dd95a2af9dbae28edb69a02c52ed20 V

VIGAN CITY – Hindi na nangangamba ang isa sa mga malalapit na kaibigan ni fighting Sen. Manny Pacquiao na maapektuhan ang pagsasanay nito para sa papalapit na laban nila ni Keith Thurman dahil sa isyu ng house speakership sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni dating Ilocos Sur governor-Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson na tila tapos na ang nasabing isyu dahil nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte kaya tiyak na mas matututukan pa ni Pacquiao ang training nito sa Amerika.

Kung maalala, si Pacquiao ang pinili ni Pangulong Duterte na campaign manager ng PDP-Laban noong midterm elections kaya hindi maiwasang maapektuhan ito sa nasabing isyu.

Noong nakaraang linggo ay nagsalita pa si Pacquiao kahit nasa Los Angeles upang ideklara ang suporta ng partido para kay Rep. Lord Allan Velasco.

chavit singson
Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson

Maliban dito, pinayuhan ni Singson ang kaniyang kaibigan na huwag itong magpakampante dahil mas bata sa kaniya si Thurman ng 10 taon.

-- Advertisement --

Nakatakdang lumipad patungong Amerika sa July 15 ang dating gobernador upang suportahan ang kaniyang kaibigan at kausapin itong magretiro na sa boxing pagkatapos ng laban nito sa nasabing American boxing champion.