-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ini-larawan ngayon ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) na kahawig sa New Bilibid Prison (NBP) ng Muntinlupa City ang kalakaran ng umano’y illegal drug transaction sa loob ng Cagayan de Oro City Jail na pinamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penelogy o BJMP-10.

Ito ang pagbubunyag ni COCPO spokesperson Police Maj Evan Viñas sa Bombo Radyo batay rin sa naging salaysay ng ilang suspected drug personalities na mga arestado ng mga ikinasa na anti-drug buy bust operations ng kanilang mga kasamahan ng lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Viñas na nakakagalaw pa rin umano ang malalaking detained drug personalities upang makakilos ang kanilang mga tauhan sa labas para sa distribusyon ng kontrabando sa mga tukoy na kasosyo o nangangailanan nito.

Ginawa ni Viñas ang paliwanag matapos na-kuwestiyon ng ilang mga residente kung bakit na kahit nasa higpit na sitwasyon ang publiko dahil sa pandemya na dala ng COVID-19 ay halos umaabot sa milyong halaga ng susected shabu ang nakumpiska ng pulisya mula sa kanilang mga naaresto na mga personalidad.

Sa loob ng Nobyembre 2020,naaresto ilang malalaking suspected drug personalities kung saan kinabilangan sa anak ng incumbent barangay kapitan,vice president ng Sangguniang Kabataan na pawang nagmula sa Barangay Balulang,information officer ng Barangay Baikingon at bagamat taxi driver subalit halos kalahating milyong piso na halaga ng shabu naman ang nakompiska ng pulisya.

Samantala,mariing itinanggi naman ni BJMP-10 spokesperson JO3 Orly Montalban ang impormasyon na hawak ng pulisya na nagmula sa kanilang male dormitory ng jail facility ang paglaganap ng ilegal na droga sa syudad.

Inihayag ni Montalban na ‘drug-free’ ang kanilang pasilidad at saksi umano mismo ang iba’t-ibang law enforcement agencies ukol rito.

Bagamat gagawa umano sila ng karagdagang pag-usisa upang tumbukin ang pinagmulan ng impormasyon na lumutang.