CAGAYAN DE ORO CITY – Inilunsad ng city health office ang malawakang na contact tracing sa mga indibidwal na huling nakasalamuha ng opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nahawaan ng coronavirus disease pandemic sa Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos mismo kinumpirma ni DILG-City Director Engr Jane Javier Docallos na nag-positibo siya ng bayrus kasama ang asawa nito at dalawang pang anak.
Inihayag ni City Health Office epidemiologist Dr Joselit Retuya na pansamantalang nagsasara muna ang tangganap ng DILG- CdeO dahil sa pinakahuling virus infection ng lungsod.
Agad namang bumuhos ang pakikidalamhati ng ilang mga kakilala at kapwa opisyales ng syudad sa sinapit ni Docallos.
Kasalukuyang nasa isang isolation unit ang buong pamilya bagamat walang naiulat na seryosong sintomas na iniinda ang mga ito.
Sa ngayon,nagtala na ang Cagayan de Oro City ng 1,480 total cases kung saan nadagdagan ng 46 na pasyente habang 929 ang naka-rekober subalit 65 na ang kumpirmadong nasawi.