CAGAYAN DE ORO CITY – Nanindigan si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na hindi magpapatupad ng lockdown sa buong siyudad sa kabila ng naitalang mga kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Hindi rin nagpatinag ang alkalde kahit marami na ang nananawagan na i-lockdown ang lungsod dahil patuloy na pagtaas sa banta ng nakamamatay na virus.

Hiling niya sa mga ito, na i-lockdown na lamang ang mga sarili at huwag nang lumabas sa bahay kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan.

Nagbanta din siya na huwag subukan ang gobyerno dahil siguradong hindi magugustahan ng mga lumalabag sa oras na ipatupad ang batas laban sa kanila.