Nagsagawa raw ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng minor adjustments sa pag-obserba ng Roman Catholic sa Holy Week dahil pa rin sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, maliban sa mahigpit na pagsunod sa mga health at safety protocols na itinakda ng pamahalaan, ipinanukala ng simbahan na huwag daw gumamit ng mga caroza sa mga isasagawang prusisyon na tradisyunal na itinutulak ng mga deboto.
Ito ay para maiwasan ang mga deboto na magdidikit-dikit na posibleng maging dahilan ng transmission ng virus.
Ang tradisyunal naman aniya na Pabasa, Way of the Cross, procession, Visita Iglesia at liturgical activities, ay isasagawa na ngayong taon pero pinaalalahanan ng CBCP ang mga parokya at mga parishioner na sundin pa rin ang mga minimum health protocols.
Sa ngayon kasi ay bumalik na ang mga deboto sa partisipasyon sa pag-obserba ng Semana Santa ngunit iba na rin kompara sa nagdaang dalawang taon.
Samantala, ang Visita Iglesia online ay puwede nang ma-access sa pamamagitan ng mobile app na FaithWatch.