-- Advertisements --

Binalaan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko laban sa nagsusulong ng ‘people’s initiative’.

Sinabi ni CBCP President and Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na naalarma ang maraming obispo dahil ang nasabing people’s initiative na isinusulong ng ilang mambabatas ay hindi pinapangunahan ng mga ordinaryong mamamayan.

Dagdag pa nito na malinaw na isang uri ng panlilinlang sa mga tao ang mga nagsusulong ng nasabing peoples initiative.

HIndi rin dapat magkumpiyansa ang Commission on Election dahil tiyak na sa mga susunod na araw ay mga mga magtatangkang isulong ang charter change.