-- Advertisements --
Nauwi sa wild finish ang isang puntos na panalo ng Cleveland Cavaliers laban sa Charlotte Hornets, 102-101.
Nagpanalo sa Cavs ang dalawang free throws na nagawa ni Kevin Love sa kabila na 1.2 seconds ang nalalabi sa game para sa kanyang kabuuang 25 points.
Ang Chicago ang top team ngayon sa NBA Eastern Conference kung saan hawak ang record na 33 wins.
Tumulong din si Jarrett Allen na napantayan ang career-high na 29 points at 22 rebounds.
Naging kontrobersiyal pa ang ipinataw na technical foul sa bench player na si Ed Davis may 4:44 ang natitira sa fourth quarter.
Samantala sa Hornets ito na ang ikatlong sunod na talo.
Nasayang tuloy ang ginawa ni Terry Rozier na may 24 points at Kelly Oubre Jr. na nag-ambag ng 21 para sa Hornets (28-25).