-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 ang Cauayan City ngayong araw.

Umabot sa 12 ang naitalang panibagong positibong kaso ng COVID-19 sa Cauayan ngayong Setyembre 6, 2020.

Sampu sa kanila ay sina CV959 hanggang CV968 na may exposure o pakikisalamuha kay CV823 na kasamahan nila sa trabaho.

Inaalam pa ang history of exposure ni CV969 sapagkat siya ay walang travel history.

Si CV970 naman ay nanggaling sa Rosario, Cavite at umuwi sa Cauayan City noong September 4, 2020.

Ang mga nagpositibong nagpapakita ng sintomas ay nasa pangangalaga na ngayon ng LGU quarantine facilities at ang mga asymptomatic ay nakastrict home quarantine.

Samantala, Pansamantalang ipapasara ang Cauayan City Hall simula mamayang hatinggabi hanggang September 14, 2020.

Layunin nito bigyang daan ang isasagawang contact tracing matapos maitala ang mga karagdagang positibong kaso ng COVID 19 na karamihan ay mga empleyado ng City Hall.

Hinihikayat naman ng pamahalaang lunsod ang iba pang empleyado na mag self-isolation upang maiwasan ang pagkalat ng virus

Pinaalalahanan din ang lahat ng mamamayan na magdoble-ingat at lumabas lamang kung kinakailangan.