catriona gray
Catrion Gray

Pinuri ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang mga kandidata ng Miss Universe ngayong taon matapos na sila ay nadulas pero hindi nagpaapekto sa ginanap na mga preliminaries sa Atlanta Marriot Marquis sa Georgia.

Unang nahulog sa stage si Miss France Maƫva Coucke sa huling bahagi ng kaniyang runway walk.

Nagsigawan ang mga audience at humanga sila dahil agad na nakatayo ang 25-anyos na modelo.

Mabilis din nakabangon matapos na mahulog sa stage ang 22-anyos na si Shweta Sekhon ng Malaysia.

Kabilang din sa mga nadulas sina Miss Indonesia Frederika Alexis Cull, Miss Malta Teresa Ruglio at Miss New Zealand Diamond Langi.

Gaganapin bukas Disyembre 9 ang Miss Universe pageant sa Altanta, Georgia.