Catriona Gray
Catriona Gray/ IG post

Ipinagdiwang ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang kaniyang ika-26 na kaarawan kasama ang non-government organization na Young Focus Philippines.

Makikita sa Instagram post na kasama nito ang grupo ng mga bata sa isang sikat na fast food chain.

Nagkaroong ng sayawan at kantahan para sa mga bata at ibang mga staff ng nasabing NGO.

Magugunitang napili ng beauty queen ang grupo na siyang tumutulong sa mga kabataan para sa libreng edukasyon.