Inamin ni Catriona Magnayon Gray na halu-halo ang kanyang nararamdaman para sa kanyang final photoshoot bilang 2018 Miss Universe.

Nabatid na mahigit isang buwan na lamang bago koronahan ng 25-year-old Fil-Australian beauty mula Bicol, ang bagong Miss Universe sa darating na December 8 (US time).

“Feeling a mix of emotions shooting my final photoshoot for @missuniverse today!” bahagi ng caption ni Gray.

Wala namang nabanggit si Cat hinggil sa pagkakapili ng Miss Universe Organization sa Atlanta, Georgia, bilang host country ngayong taon.

Pambato ng Pilipinas ang Fil-Palestinian beauty na si Gazini Ganados na ipinanganak sa Zamboang pero lumaki sa Cebu.

Samantala, kahit abala sa final leg ng pagiging Miss Universe, nakuha pa rin nitong manawagan ng dagdag na tulong para sa mga biktima ng serye ng lindol sa Mindanao.

Sa tinatawag na IG story, partikular na umapela ang pang-apat na Pinay Miss Universe ng mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima gaya ng pagkain, damit at hygiene items, at maging ng monetary donations.

Cat on Cotabato victims
Cat on Minda quake