Reading Time: 1 minute
catriona gray
Catrion Gray

Kinuha ng traffic navigation app na Waze si Miss Universe 2018 Catriona Gray para gamitin ang boses nito.

Ang boses ni Catriona ay maaari ng mapagkinggan ng mga motorista na gumagamit ng nasabing app.

Sinabi ni Waz Philippines country manager Sarah Rodriguez na dahil sa paggamit ng boses ni Catriona ay mas lalong magiging masaya ang pagmamaneho ng mga driver.

Ayon naman kay Catriona, “nais lamang niyang mag-inspire ng mga tao lalo na kapag naiipit ang mga ito sa matinding trapiko sa bansa.”