Catriona Gray / IG post

Ikinatuwa ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang pagiging bahagi ng Miss Teen USA at Miss USA pageants.

Ayon kay Catriona, bukas itong magbigay ng anumang payo para sa mga nais na sumunod sa yapak niya.

Naging maganda naman ang pagtanggap ng mga kalahok ng Miss Teen USA sa mga ibinibigay nitong mga payo.

Isa lamang ang nasabing aktibidad na pinagkakaabalahan ni Catriona habang ito ay nasa Reno, Nevada.