-- Advertisements --

Ang pinaigting umanong mga manhunt operations laban sa mga carnappers ang rason sa pagbaba ng carnapping cases sa buong bansa.

Ito ang pagmamalaki ni PNP-Highway Patrol Group (HPG) Director C/Supt. Roberto Fajardo sa isang panayam.

Dagdag pa ni Fajardo, malaking parte rin ang kampanya laban sa iligal na droga o war on drugs ng PNP sa pagbaba ng kaso ng carnapping.

Ayon sa heneral, ang Region 3 ang nakapagtala ng may pinakamataas na insidente ng carnapping na sinundan naman ng Region 4-B.

Ang NCR ay ngayong buwan lamang ng Agosto nakapagtala ng carnapping cases.

Kabilang sa mga carnapping cases na naitala ng PNP-HPG ay ang ginagawang pagtangay sa mga sasakyan ng mga sangkot sa iligal na droga at ang mga nakaw na sasakyan ay siyang ginagamit na pantustos o bayad-utang.

Sa datos naman ng PNP-HPG noong 2017, nasa 608 na mga carnapped vehicles ang narekober nila kung saan 514 dito ang naibalik na sa mga may-ari habang 94 naman ang nasa impounding area.

Dagdag pa dito ang nasa 29 na mga narekober na sasakyan ang naka impound na narekober ng HPG mula January hanggang August 2018.